GMA Logo GMA Network
What's Hot

PAALALA: Huwag magpaloko sa mga text scam na gumagamit ng pangalan ng GMA Network

Published September 9, 2020 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Network


Huwag maniwala sa text scam na gumagamit sa pangalan ng GMA Network, subsidiaries at mga kawani nito.

Isang paalala ang nais iparating ng GMA Network ngayong may mga kumakalat na text scams at maling impormasyon na ginagamit ang pangalan ng GMA Network, GMA Kapuso Foundation at ni Atty. Annette Gozon.

"Babala sa publiko:

Nakarating po sa amin na may mga nakakatanggap ng text message mula kay Atty. Annette Gozon na sinasabing kayo ay nanalo ng malaking halaga o premyo mula sa draw ng Kapuso Foundation. Wala pong katotohanan ito at walang kinalaman ang GMA Kapuso Foundation dito. Ingat lang po sa mga text scam, mga Kapuso!"

Para sa impormasyon sa mga proyekto ng GMA Network at GMA Kapuso Foundation, bumista sa official website na www.GMANetwork.com at www.GMANetwork.com/KapusoFoundation .

Maari ding i-follow ang official Facebook accounts na Facebook.com/GMANetwork/ at Facebook.com/GMAKapusoFoundation.

Tingnan kung may blue check mark ang mga ito para masigurong ito ang tamang account.