
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa September 25 (Biyernes) episode nito, pinilit ni Pirena (Glaiza De Castro) si Gurna (Vaness Del Moral) na ibigay sa kaniya ang liham na isinulat ni Reyna Minea (Marian Rivera) para sa Sang'gre.
Nakasulat sa liham ang damdamin ni Minea para kay Pirena na punung-puno ng pagmamahal at pang-unawa ng isang ina. Hindi na napigilan ni Pirena ang mga luha nang mabasa niya ang mga huling salitang iniwan ng yumaong reyna.
Dahil sa ginawang paglilihim ni Gurna sa liham na ito, wawakasan ni Pirena ang buhay ng dating dama upang pagbayarin siya sa lahat ng panlilinlang kaniyang ginawa.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.