What's Hot

Paalam, Marky

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Hornets stay hot with runaway win over Suns
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested

Article Inside Page


Showbiz News



Nakakabigla at nakakalungkot ang balitang pumanaw na ang young actor na si Marky Cielo.
Nakakabigla at nakakalungkot ang balitang pumanaw na ang young actor na si Marky Cielo. Isa siyang malaking kawalan sa showbiz industry. Text by Loretta G. Ramirez. Maraming speculation ang lumabas tungkol sa pagkamatay ng batang actor. Narito ang official statement ng GMA Network tungkol dito: “Bandang alas 10 kaninang umaga (December 7), sa Antipolo Doctors Hospital ay idineklarang dead on arrival ang young actor at StarStruck Nationwide Invasion Sole Survivor na si Marky Cielo. stars"Ayon sa paunang salaysay ng kanyang ina na si Mildred Cielo, natagpuan niyang nakahandusay ang kanyang anak sa kanilang tahanan sa Antipolo, Rizal, at agad niya itong isinugod sa ospital. Sa ngayon ay hinintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon sa sanhi ng pagpanaw ni Marky Cielo bago magbigay ng opisyal na pahayag ang kanyang pamilya. “Tubong Mountain Province at may lahing Igorot si Marky Cielo, at itinanghal na Sole Survivor sa Season 3 ng Starstruck. Hinangaan siya sa kanyang husay sa kanyang pag-arte at pagsayaw. Huli siyang napanood sa Startalk, SOP, at La Lola. Siya rin ang tumatayong Youth Spokesperson ng Department of Health. Si Marky Cielo ay 20 years old. Bukod sa mga panalangin, humihiling ang pamilya Cielo ng privacy sa matinding dagok na to sa kanilang buhay." Sa kasalukuyan, nakaburol ang labi ni Marky sa St. Peter’s Chapel sa Antipolo. Dadalhin ang kanyang labi sa kanilang tahanan sa Mission Hills kung saan maglalaan ng dalawang araw para sa burol bago ito dalin sa Mountain Province kung saan siya lumaki. Marky Cielo, the actor Nag-umpisa si Marky sa show business noong sumali at nanalo siya as the Ultimate Sole Survivor sa StarStruck batch 3. Dala ng kanyang talent sa pag-arte, nagsunud-sunod ang kanyang mga projects sa Kapuso Network. Ilan dito ang Fantastikids, Boys Nxt Door, Encantadia, Bakekang, Asian Treasures, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Kaputol ng Isang Awit, Codename: Asero at ang La Lola kung saan naiwanan niya ang character ni Billy. Malimit din siyang makita sa SOP kung saan isa siya sa mga regular performers lalung-lalo na sa larangan ng pagsasayaw. Nakatrabaho na rin niya ang ilan sa mga malalaki at premyadong artista sa ating bansa tulad nina, Robin Padilla, Regine Velasquez, Eddie Garcia, Richard Gutierrez, Dennis Trillo at marami pang iba. Maraming nagsasabi na very promising siya pagdating sa pag-arte, dahil he can do comedy, drama and action projects effectively. Dahil na rin sa kanyang naabot at napatunayan sa larangan ng entertainment at sa pagiging huwarang kabataan, kinuha siya ng Department of Health para maging youth spokesperson. Sa kanyang pagpanaw, definitely marami ang makaka-miss kay Marky. Balikan natin ang kanyang special moments sa iGMA kasama ang ilan sa kanyang dating co-stars with these videos: iGMA Live Chat with Marky and Glaiza iGMA Live Chat with Zaido’s Marky, Kris at Aljur