Sa pagbisita nina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz sa Sarap Diva, ibinahagi nila kung paano sila nakakausap ng kanilang mga fans at paano hinarap ang bashers noong panahon na hindi pa uso ang social media.
Noong '80s nag-survive ang mga artista ng walang social media. Ikinuwento nina Manilyn, Tina, at Sheryl, ang pagkakaiba noon at ngayon na may direct access na ang mga fans sa kanilang mga iniidolo.
Ayon kay Sheryl, mayroon silang tinatawag noon na fan mail system para sila ay makausap ng kanilang mga tagahanga. Aniya, "Our fans would write to us from different places sa buong Pilipinas and not only here pati abroad. 'Yung ibang fans which is so sweet until now they keep the letters that are handwritten tapos noon ipapakita sa'yo 'yung envelope na may stamp kung kailan nila natanggap."
Pinag-usapan rin nila ang panahon kung saan iba ang klase ng bashers na kanilang hinaharap. Saad ni Tina, "Sa experience ko rin usually ang nagba-bash sa'yo, mga ibang reporters or 'yung mga press."
Dagdag pa ni Manilyn, "At saka kung mangba-bash ka nun, hinaharap mo na. Away ganun."
Pagpapatuloy ni Tina, mas personal ang atake ng bashers ngayon dahil sa social media na nila makakausap ang mga artista.
Aniya, "Ngayon kasi masyadong personal. It's either Twitter or Instagram talagang sasabihin nila kung ano ang gusto nilang sabihin sa'yo o lalaitin ka ganun."
MORE ON 'SARAP DIVA':
WATCH: Triplets, nagsalita tungkol sa mga ka-love team noon na sina Janno, Monching at Romnick
Regine Velasquez-Alcasid, makakasama ang kanyang stepdaughter na si Leila Alcasid sa 'Sarap Diva'