What's Hot

Paano inaalagan ni Joel Cruz ang kanyang mga kambal?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 10:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang parenting style ng tinaguriang "the lord of scents?"


By BEA RODRIGUEZ 

 

A photo posted by Joel Cruz (@thelordofscents) on


Pinangarap lang dati ng President and CEO ng Aficionado German Perfume na si Joel Cruz na magkaanak. Ngayon, isang ganap na ama na ang tinataguriang “The Lord of Scents” nang pagkalooban siya ng isang Russian surrogate mother ng kanyang mga kambal.

Ang apat na anak niya raw ang nagisisilbing “bundles of joy” at wala na siyang mahihiling pang iba. Nagpaplano pa raw siyang madagdagan ang kanyang mga anak sa madaling panahon, “Maganda naman 'yung purpose eh na may harmony, love and affection [at saka may] tulungan na nangyayari. Sabi ko mas maganda kung marami akong anak.” 

Maselan ang pag-aalaga niya sa kanyang mga kambal dahil nabuo sila sa pamamagitan ng In vitro fertilization (IVF) kaya mahina ang kanilang resistensiya. Naka-contain sa isang nursery ang 3-month-old twins na sina Prince Harry at Prince Harvey at kinakailangang mag-face mask ang lalapit sa kanila.

“Sabi din sa ‘kin ng pediatrician na from birth hanggang two years old, 'yung naghahawak ng bata mag-mask kahit ako din 'pag pupunta na ako sa bata. [Sina Prince] Sean and [Princess] Synne, wala nang mga ganun, buti na lang tapos na,” saad ng businessman sa panayam ni Kara David sa Powerhouse.

LOOK: The irresistible first twins of Joel Cruz 

Masustansiya lamang na mga pagkain ang hinahain sa kanilang bahay, lalong-lalo na para sa kanyang mga kambal. "Always remember: Feed everybody with fresh, well-cooked, new, tasty, clean, healthy, unspoiled, well-balanced diet food, drinks, water, vitamins [and] milk, most especially my four children,” ang paalala na nakadikit sa ref ng kusina.

Kuwento niya, "Alam mo, 'yung mga anak ko, after milk and water, the first solids na nakain nila [ay] fish at iba't ibang klase ng mga gulay [at] white meat lang [from] chicken. Dito sa bahay hindi ko sila binibigyan ng pork and beef. 'Pag nasa labas na, puwede na. Kunyari sa school, okay na 'yun.”

Gusto lang raw ni Joel ang makakabuti para sa kanyang mga anak. Sumang-ayon dito ang yaya na si Mary Jane Lopez, "As a father po talaga, si Sir Joel [ay] protective lang po siya, hindi [po overacting] 'yun."