What's on TV

Paano inamin ni Janine Gutierrez kay Marc Abaya na childhood crush niya ang 'Legally Blind' co-star?

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 22, 2017 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Sa nalalapit na pagtatapos ng 'Legally Blind,' isang trivia ang ibinahagi ng bida ng GMA Afternoon Prime soap na si Janine Gutierrez.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Legally Blind, isang trivia ang ibinahagi ng bida ng GMA Afternoon Prime soap na si Janine Gutierrez. Ayon sa gumaganap bilang Grace sa teleserye, bata pa lamang daw siya ay crush na niya si Marc Abaya.

Si Marc Abaya ang nagbibigay buhay ngayon sa role ni William na siyang rapist ni Grace. Kuwento ni Janine, umpisa pa lamang daw ng Legally Blind ay sinabi na niya ito kay Marc.

Bahagi ni Janine, "Crush ko si Marc noong bata pa ako. Sinabi ko sa kanya agad noong una kaming nag-workshop. Sabi ko, 'Marc, sorry pero kailangan kong aminin sa 'yo. Sobrang crush talaga kita dati noong grade school pa ako.'" 

Ano'ng naging reaksyon ni Marc sa pag-amin ni Janine? Sagot niya, "Medyo natawa siya. Siguro nagulat siya. Sabi niya, 'Okay na sana pero grade school?'"

Naaalala pa raw ni Janine ang pagiging fan niya sa singer-actor. Aniya, "May isang beses na nakita ko siya sa Boracay tapos sinundan-sundan ko pa siya noon. Siguro mga 12 years old ako noon. Crush ko talaga si Marc Abaya."

Nagpapasalamat daw si Janine sa Legally Blind dahil nakatrabaho niya ang kanyang childhood crush. "Up to now, fan talaga ako ni Marc. Dati as a musician lang pero ngayon pati pagiging artista kasi napakahusay talaga niya," pagtatapos niya.

Patuloy na subaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng Legally Blind, weekdays pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.