
"I've seen some of his TV shows. [He is] very promising, magaling! [He is] eager to work and very professional. He arrives early and prepared, so that's very good." - Ramon Christopher
Gumaganap bilang isang batikang psychiatrist ang beteranong aktor na si Ramon Chrisopher sa GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli.
Siya ay si Francis Manahan, ama ni Calvin na siya namang ginaganapan ni Derrick Monasterio.
WATCH: Hanggang Makita Kang Muli: Care for Angela
"Isa akong psychiatrist. Isa ako sa mga unang magche-check sa character ni Bea (Binene)," paglalarawan niya sa kanyang karakter sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Unang beses niya rin na makakatrabaho si Derrick at naging maganda naman ang first impression niya sa young actor.
"I've seen some of his TV shows. [He is] very promising, magaling! [He is] eager to work and very professional. He arrives early and prepared, so that's very good," papuri niya sa kanyang co-star.
Inilarawan din ni Ramon Christopher ang atmosphere sa set.
"Everybody wants to put a good story for everybody to watch. Pine-prepare namin ng mabuti para maging maganda lahat," bahagi niya.
WATCH: Hanggang Makita Kang Muli: Reunited
Ayon sa kanya, nagtutulungan ang lahat para mapabuti ang show.
"We're just like family where everybody tries to help each other out. Kung may mapapansin sila na, 'Oh Monch, why don't you try this? Baka it's better like that.' Ganun sina Direk [Laurice Guillen] and everybody on the team," paliwanag niya.
"We just try to keep everything happy sa set. We hope na everything will be okay," dagdag pa nito.
Huwag palampasin ang Hanggang Makita Kang Muli, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Wish I May sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON HANGGANG MAKITA KANG MULI:
Raymart Santiago saludo kay Bea Binene
Rita Avila naiintidihan ang pressure para sa young leads ng Hanggang Makita Kang Muli