Celebrity Life

Paano manligaw si Ken Chan?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 8:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Sa panahon ngayon, laganap na laganap ang paggamit ng social media lalo na sa kabataan. Pwede na rin bang idaan sa social media ang panliligaw? Ano kaya ang masasabi ni Kapuso cutie, Ken Chan tungkol dito?

Sa panahon ngayon, laganap na laganap ang paggamit ng social media lalo na sa kabataan. Pwede na rin bang idaan sa social media ang panliligaw? Ano kaya ang masasabi ni Kapuso cutie, Ken Chan tungkol dito?

Nakausap namin ang actor-TV host pagkatapos ng live chat niya kasama sina Ruru Madrid at Phytos Ramirez.

Anang chinito heartthrob, “Hindi talaga ako ma-text. Kung sa phone, tawag talaga lalo na kapag may nililigawan ako. Mas gusto ko ‘yung traditional pa rin na pupuntahan mo siya sa bahay at magkikita kayo personally.”

“Parang nalulungkot din ako para sa iba kasi iyon na lang ‘yung nagiging basehan nila. Through tweeting or texting, hindi na masyadong sincere. Sana hindi lang nakikisabay dahil ito ‘yung in ngayon,” dagdag niya.

Nauuso na rin ngayon ang mga dating applications kung saan maaaring makahanap ng match ang mga users nito online. Nakikita ba ni Ken ang kanyang sarili na nagda-download ng ganitong klaseng application?

Sagot niya, “No. Hindi ko inaadvice sa mga katulad kong kabataan ang mga ganyang app. It’s not safe dahil baka iba ‘yung picture na ginagamit ng taong kausap mo. Maybe they are deceiving you. It’s still better to meet people in real life.”

Marami na ring mga mas liberated mag-isip na naniniwala sa konseptong “collect and select” pagdating sa pakikipagdate. Ganito rin ba ang pananaw ni Ken?

“Absolutely not. Respeto ‘yun sa mga babae. Kung may gusto kang isang tao, dapat siya lang kasi kung maghahanap ka ng iba’t ibang babae, it means that you’re not serious at hindi ka pa handa na pumasok sa isang relasyon,” sagot niya.

Naniniwala pa rin si Ken na ang tunay na nagmamahal ay naglalaan ng oras at effort para sa taong nagpapasaya sa kanya.

“Binibigay ko talaga kung anong kaya kong ibigay. Gusto kong ma-feel niya na sobrang special siya na hindi sapat ang statement na ‘I love you’ para ipakita ‘yung nararamdaman ko,” ani Ken.

Nai-in love na ba kayo kay Ken Chan? Panoorin siya sa Rhodora X gabi-gabi sa GMA Telebabad at sa Walang Tulugan with the Master Showman tuwing Sabado ng gabi.

Para makatanggap ng updates, mag log-on lamang sa www.gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com