Article Inside Page
Showbiz News
Curious ba kayo kung paano naging flower girl si Ryzza Mae Dizon sa kasal ng Royal Couple? Ito ang kuwento.
By SAMANTHA PORTILLO
Parang bumalik daw ang Priemtime Queen sa pagkabata sa ginanap niyang bridal shower sa Hong Kong Disneyland, kung saan halos lahat daw ng rides ay sinakyan niya.
Nilagyan siya ng belo at sash ng kanyang mga kaibigan na sinuot daw niya hanggang sa Disneyland.
Kuwento niya, “’Yung iba, nagpa-picture kasi akala nila part ako ng parade. Nakakaloka talaga na nag-effort sila din. Nakakakilig na mayroon akong ganitong klaseng mga kaibigan.”
Anang Primetime Queen, nasasabik na rin daw siya sa mga magiging tsikiting nila ni Dong.
“’Pag nabuntis ako, ‘yung mga anak ko, lalaki nang hindi naman malayo sa age ko. At least, kahit papaano naman ay ma-guide ko sila.”
Hindi pa rin ibinabahagi ni Marian ang wedding motif nila, pero malapit na raw ito malaman ng lahat.
Aniya, marami raw ang nagvo-volunteer na makasama sa kanilang kasal. Si Aling Maliit nga, nag-volunteer bilang flower girl.
Ani Marian, “Gusto mo ba? [Sabi niya] opo, ate. O sige, flower girl ka na. Oo, gusto daw niya.”
Noong Sabado, isang surprise bridal shower naman ang inihandog ng isang mall sa Alabang para kay Marian.
“Hindi ko na yata kailangan bumili. From sa bahay, sa appliances, lahat na hanggang sa damit ko, hanggang sa accessories ko, parang ibinigay na yata nila lahat sa akin,” aniya.