What's on TV

Paano pinili ang cast ng 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento?'

By Aedrianne Acar
Published July 14, 2021 5:58 PM PHT
Updated July 14, 2021 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V


Anu-ano ang nakitang qualities ni Michael V. kina Sef Cadayona, Mikee Quintos, at Kokoy de Santos kaya't sila ang 'best choice' na bumida sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento?'

Ibinahagi ng multi-awarded comedian na si Michael V. ang mga hinanap nilang qualities sa mga artista na gaganap sa highly-anticipated prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Naka-one-on-one ng entertainment press ang cast at production team ng sitcom sa idinaos na virtual media conference ngayong araw, July 14.

Matatandaan na noong Mayo, inanunsyo na magkakaroon ng season break ang Pepito Manaloto upag bigyang daan ang prequel na tatalakay sa buhay nina Pepito at Elsa noong '80s sa Caniogan.

Sinabi ni Direk Bitoy na tumatayo din na creative director ng show na “handpicked” ang cast na ito. Napiling gumanap bilang young Pepito, Elsa, at Patrick sina Sef Cadayona, Mikee Quintos, at Kokoy de Santos.

Paliwanag ni Michael, “I have only good things to say about the cast, kasi kasama kaming pumili dito ng creative team.

“As much as nag-audition lahat for other roles and may ibang nag-audition na hindi nakapasok. It's because 'yung grupo na 'to ito talaga 'yung medyo nakita namin 'yung exisiting characters. So, I would clearly say na parang handpicked sila and I'm glad na sila 'yung mga nag-auditions for the part.”

GMA Network

Ayon din kay Direk Bitoy, malaking factor ang similarities sa look at personality ng cast members, sa mga artista na gumanap sa original series, kung bakit sila ang napiling mapasama sa big project na ito ng GMA-7.

Hirit din niya na kahit ang sarili niyang ina, nakikita ang pagkakahawig niya kay Sef Cadayona.

“Importante sa amin looks and personality. 'Yung hitsura nila dapat similar sa amin nung kabataan namin ayun 'yung unang-una.

“Maraming nagsasabi bakit ganun hitsura ni Patrick parang nung bata siya pogi siya, pero nung tumanda ano nangyari sa kanya [laughs].”

“'Pag tiningnan n'yo 'yung throwback photos ni John Feir na hindi n'yo maikakaila 'yung similarities. Kasi, talagang kadating!”

Dagdag niya, “Even my mother is telling me na ayan si Sef Cadayona nga sinasabi niya. Sabi niya, 'parang ikaw yan nung bata ka'. So isa 'yun sa mga pinaka-importante actually 'yung looks at saka 'yung personality. 'Yan si Mikee kalog naman 'yan talaga at pareho sila ni Manilyn [Reynes] kumaka-kalog pagka tumatawa.”

Season break

Matapos ang announcement na magkakaroon ng season break ang Pepito Manaloto, umani ng samu't sari na reaksyon mula sa loyal fans ang desisyon na ito ng GMA-7. Ang iba ay nalungkot at meron din ilan na inakala na tuluyan na magwawakas ang favorite show nila on TV.

Ayon sa Senior Program Manager ng Pepito Manaloto na si Enri Calaycay , nakakataba ng puso ang nabasa nilang comments mula sa fans tungkol sa season break.

Aniya, “Natuwa pa rin in a way because there's still reaction, importante pa rin 'yun magre-react na nalungkot sila na natakot sila na mawawala 'yung show, okay pa rin 'yun.”

“Nag-work naman, tapos na-excite sila nung ina-announce natin na meron Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Sinegundahan naman ito ni Direk Bitoy at sinabing, “Naintindihan naman ng creative 'yun kasi dito sa Pilipinas bihira naman talaga 'yung gumagawa ng season break at saka 'yung nagkakaroon proper season end. 'Yung word na end lang ang narinig nila hindi 'yung season end. Understandable naman, kagaya ng sinabi ni Miss Enri natutuwa kami dahil marami nga talagang, napatunayan namin for ourselves na maraming talagang nagmamahal dun sa show at ayaw nila mawala.”

Tutukan ang grand premiere ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa Sabado Star Power sa gabi this coming July 17, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Related content:

LIST: 7 reasons to watch 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'

Gladys Reyes, inaral ang kilos ni Dexter Doria para sa role niya sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'