
Naging mahirap ba para kay Camille ang sabihin kay Nathan na may iba na siyang mahal bukod sa namayapang daddy nito?
Naikuwento ni Camille Prats sa Yan Ang Morning! kung paano niya sinabi sa kanyang anak na si Nathan na balak na niya makasama si VJ Yambao habang buhay.
Ika niya, “Siyempre, [nung una] fishing lang ako.” Tinatanong daw niya si Nathan, “What if mommy will have a boyfriend?” Agad naman daw na reply ng anak niya, “Who's that?” At five-years-old pa lang daw si Nathan nito, pero 'yun agad ang tanong ng bata.
Segway naman ni Camille sa kanya, “Wala lang, you know, what if I like someone. And you know he makes me ligaw, and I will have a boyfriend.”
Sagot naman ng anak niya with conviction: “No, I will sapak him.”
Natakot daw si Camille dahil hindi pa nga raw handa ang kanyang anak magkaroon ng daddy. Aniya, “Siyempre, for me, priority ko anak ko.” Kaya hindi niya muna agad sinabi ang tungkol kay VJ. Ika niya, “Facetime [muna kami ni VJ], tapos nung umuwi [si VJ sa bahay], friend friend pa rin [ang pakilala ko]. [Hanggang] nasasanay na siya (Nathan).”
Sinabi naman na rin ni Camille kay Nathan ang totoo nung naramdaman niyang “palagay na 'yung loob niya.”
Intro naman ni Camille kay Nathan: “Tito VJ likes mommy, and he wants to be a part of us, and he wants to always be there for us.”
Ang very simple naman na comment ng bata: “He's okay.” Kaya kinuha na ng aktres ang chance para tanungin si Nathan: “So, do you like him? Sure ka na ba na you like Tito VJ, because we can only choose one, hindi na puwedeng magpalit-ulit. So, you think about [it] and tell me your decision.”
After a few days, binalikan daw siya ng kanyang anak at sinabing, “Mommy, I thought about it and Tito VJ is okay. So, we can keep him na forever."
Panoorin ang interview ni Camille Prats dito:
MORE ON CAMILLE PRATS:
Camille Prats recounts how she and son are truly blessed