What's Hot

Paano tinulungan ng BiDawn ang BiGuel sa mga eksena nila sa 'Family History?'

By Aedrianne Acar
Published July 24, 2019 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Tumatak sa isipan ng Kapuso cutie na si Miguel Tanfelix kung paano pinadali ng multi-awarded comedian na si Michael V. at ni Dawn Zulueta ang trabaho nila ng kapareha niya na si Bianca Umali tuwing kaeksena nila ang mga ito sa shooting ng 'Family History.'

Tumatak sa isipan ng Kapuso cutie na si Miguel Tanfelix kung paano pinadali ng multi-awarded comedian na si Michael V. at ni Dawn Zulueta ang trabaho nila ng kapareha niya na si Bianca Umali tuwing kaeksena nila ang mga ito sa shooting ng Family History.

CEB gives 'Family History' 'B' grade, lauds BiDawn for performance

Sa ginanap na media conference ng pelikula sa Novotel Hotel ngayong July, ibinahagi ni Miguel na tinanggal ng BiDawn ang stress sa tuwing magkakaeksena silang lahat sa taping ng pelikula.

Hindi raw biro na i-shoot ang Family History dahil kasabay rin ito ng primetime series nila ni Bianca na Sahaya.

Pagbabalik-tanaw ni Miguel, "Sa akin po kasi kapag katrabaho ko po si Direk Bitoy [at] Miss Dawn, sobrang light lang po yung eksena po namin. Si Kuya Bitoy, alam naman po natin [na] komedyante siya and si Ms. Dawn, iniisip ko na mai-intimidate ako sa kanila pero magaan lang po 'yung pakiramdam ko sa kanya.

"And habang tine-tape po itong Family History, se-segue po lagi kami sa Sahaya then Family History, so ganun. So, imbes na down, imbes na pagod and stressful na papasok kami sa eksena, light lang po siya. Ang sarap po magtrabaho.

"'Yun po 'yung natutunan ko sa kanila. If light 'yung workplace mo, masarap po magtrabaho, mas makakapagbigay ka sa eksena."

Sobra rin daw memorable ayon kay Miguel ang mga life lessons na ibinahagi ng lead stars nila sa Family History nang makasama nila ni Bianca Umali ang mga ito sa isang dinner.

Wika niya, "'Yung memorable po na nangyari sa amin lahat, yung nag-dinner po kami ako, Direk (Bitoy), Ms. Dawn and that time with Ms. Ayoi (Carol Bunagan). Sa standby area po ni Direk Bitoy, tinuturuan po nila kami ng life lessons. So 'yung memorable po sa akin hindi siya nangyari on-cam kung 'di off-cam."

Worth every peso ang panonood ng Family History, now showing in cinemas nationwide!