
Ang inspiring na kuwento ni Merlita Manicad ang isa sa ipinakita ni Dingdong Dantes nitong January 26 sa Amazing Earth.
Si Merlita ay may pagsubok na hinarap at nagpursige para masimulan ang sustainable business na tinatawag na Craftcha.
Kuwento ni Merlita, hindi lamang naiangat ang kanilang pamumuhay ng kanyang negosyo, nakakatulong pa siya sa kalikasan dahil sa pag-upcycle ng katsa.
Sunod na ipinakita sa Amazing Earth ang paggawa ng healthy malunggay pandesal na inihanda ni David Licauco para kay Merlita.
Ano nga ba ang nangyari sa Batangas nang sumabog ang Taal Volcano? Ito ay ibinahagi rin ni Dingdong nitong Linggo.
Ang International photographer and mountaineer na si Gab Mejia ay ibinahagi kay Dingdong ang mga magagandang lugar sa mundo na kanyang napuntahan. Kanya ring ikinuwento ang kanyang responsibilidad bilang National Youth Council member ng WWF-Philippines.
Isa umano sa kanyang advocacies ay ang ang mapangalagaan ang natitirang tamaraw sa Mindoro.
Maglakbay, mag-enjoy, at matuto sa Amazing Earth tuwing Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend.