
Pasok pareho sina Senator Manny Pacquiao at WBA world champion Lucas Matthysse sa 147-pound weight limit para sa WBA Welterweight Championship bukas, July 15, sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Punung-puno ng mga fans mula sa iba't-ibang bansa ang Malaysia International Trade and Convention Center para sa kanilang final weigh-in kaninang umaga.
Agaw-eksena naman ang ina ni Manny na si Mommy Dionisia nang pumasok siya sa kwarto at kumaway pa sa kanyang mga fans.
Ang timbang ni Pacman ay 146 pounds samantalang 146.7 pounds naman ang makakalabang niyang si Matthysse. Nang umakyat ang dalawa sa stage, kapansin-pansin na mas malaki ang katawan ng Argentine boxer.
Bukod sa WBA welterweight championship, tatlong world titles pa ang paglalabanan bukas, kabilang ang WBA featherweight champion, WBA light flyweight champion at IBF flyweight champion.
Panoorin ang buong ulat ni Mav Gonzales sa Balitanghali: