Celebrity Life

Pacquiao appeals to Indonesian Pres. Widodo to spare Mary Jane Veloso's life

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pamamagitan ng isang televised message sa 'Balitanghali' kanina, umapila si Pacquiao kay Pres. Widodo na isalba ang buhay ni Mary Jane.
By AL KENDRICK NOGUERA



Bukas, April 28, nakatakdang i-execute ang Pinoy OFW na si Mary Jane Veloso dahil sa pagkaka-convict niya sa isang drug-related case sa Indonesia. Marami ang nagdarasal na sana hindi matuloy ang pagbitay kay Mary Jane, lalong lalo na ang mga magulang nito na nagtungo pa ng Indonesia para iapila ang kaso ng kanilang anak.

Hiniling ng pamilya ni Mary Jane na magbigay ng mensahe ang Pambansang Kamao kay Indonesian President Joko Widodo. Agad naman pinaunlakan ni Pacman ang kanilang hiling.

Sa pamamagitan ng isang televised message sa Balitanghali kanina, umapila si Pacquiao kay Pres. Widodo na isalba ang buhay ni Mary Jane.

“On behalf of my countryman, Mary Jane Veloso, and the entire Filipino people, I am begging and knocking on your kind heart that your Excellency will grant executive clemency to her by sparing her life and saving her from execution,” ani Pacquiao.

Watch Pacquiao's full message here.