
Muling nakuha ng award-winning comedian na si Michael V. ang kiliti ng fans at viewers ng Bubble Gang sa pinakabago niyang parody single na 'Padabog.'
Nag-debut ang kantang 'Padabog' sa episode ng longest-running gag show kagabi, May 19. Parody ito ng hit single ni Skusta Clee na "Lagabog" featuring Illest Morena.
Agad na gumawa ng ingay online ang nakaka-aliw na music video ng "Padabog" na ang lyrics ay tungkol sa isang golf player na minamalas sa laro at sa pagdadabog nito ay nadadamay na rin ang kaniyang caddie.
Buhos ang komento ng mga netizen sa iba't ibang social media pages na pinupuri ang husay ni Direk Bitoy sa pagsulat ng kanta.
Grabe ang galing ni Michael V at Chariz Solomon sa Padabog😭#BBLPadabog
-- Mika✝️ | #LoveNextDoor (@jhi_firewall) May 19, 2024
Napabilib din ang mga netizen sa mahusay na performance ni Chariz bilang si Caddie Charanda sa 'Padabog' music video.
Bago ang premiere ng 'Padabog' parody, nakakuha na agad ng 1.8 million views ang teaser na in-upload ni Direk Bitoy sa kaniyang Facebook page.
Muling panoorin ang nakaka-LSS na kanta ni Disgusta Creep featuring Caddie Charanda sa video below.
RELATED CONTENT: VIRAL PARODY SONGS OF MICHAEL V.