
Ibinahagi ng tinaguriang Greatest International Bowler of All Time na si Filipino champ Paeng Nepomuceno ang kanyang workout routine sa bahay habang naka-quarantine.
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ipinahayag ng bowling legend nasa sa edad na 63 may tip top shape pa rin siya.
“Ako 'yung isa sa mga unang naniwala sa cross training sa sports dito sa Pilipinas kasi nu'ng araw, sinasabi nila titigas ang muscle, mawawala ang flexibility, I believed otherwise.
“It can help your sport whatever it is. Ginagawa ko cardiovascular like running, road work para sa stamina and then weights para lumakas 'yung iba't ibang body parts na kailangan sa bowling,” aniya.
Pagdating naman sa kanyang home workout ngayong may quarantine, aniya, “'Yung equipment ko simple lang, dalawang bowling balls lang and then isang jug and then dalawang maliit na barbell. Kumpleto, nagagawa ko lahat ng body parts.”
Gladys Guevarra fangirls over Pinoy sports legends
Dagdag pa ng tanging atlethe na nanalo ng apat na World Cups sa tatlong iba't ibang dekada, labis na makatutulong ang pag-e-ehersisyo para makaiwas sa sakit, lalo na ngayong may banta ng COVID-19.
“Exercise boosts immunity. 'Pag fit ka less susceptible kang magkasipon, ubo or magkasakit. So importante na healthy ka rin at may heathy lifestyle kahit nasa loob ka lang ng bahay,” saad pa ni Paeng.
Panoorin ang buong 24 Oras report: