
Enjoy sa kanyang lola duties ang former politician at seasoned actress na si Vilma Santos-Recto nang ipasilip niya ang ilang bonding moments nila ng apo na si Isabella Rose o Baby Peanut.
Sa Instagram video na ipinost ni Vilma kahapon, August 31, kitang kita na aliw na aliw ito na makipaglaro kay Baby Peanut.
Makikita rin sa video na tuwang tuwa si Senator Ralph Recto na makita ang baby daughter ng stepson na si Luis.
Samantala, marami namang netizens ang nagkomento na nakaka-good vibes na makita ang Star For All Seasons na nakikipagkulitan kay Isabella Rose.
Ikinasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola noong February 2021, kasagsagan ng COVID-19 pandemic, sa The Farm At San Benito na matagagpuan sa Lipa City, Batangas .
Isinilang ni Jessy ang first baby niya kay Luis noong December 28, 2022 via cesarean section.