
Ang pag-aaral at paglilibang, parehong posible sa GMA Now!
Ang GMA Now ay isang mobile digital TV receiver na maaaring i-plug sa mga Android phone para makapanood ng live TV nang libre.
Hindi na rin kailangan ng internet connection para makapanood ng telebisyon gamit ang GMA Now. Gamit ang ang gahinlalaking device na ito, maaaring nang mapanood ang GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop at lahat ng available free-to-air digital channels na sakop sa inyong coverage areas.
Dalawang bagong channel din ang nag-launch at idinagdag dito kamakailan.
Isa na rito ang I Heart Movies, ang bagong digital movie channel na hitik sa local at international movies.
Sa pagdagdag ng I Heart Movies sa channel lineup, siguradong hindi ka mauubusan ng source of entertainment and amusement sa GMA Now.
Bukod dito, maaari ring mag-aral ng mga leksiyon ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtutok sa DepEd TV.
Ang DepEd TV ay educational platform para sa multimedia classes na idinisenyo para sa iba't ibang antas mula Kindergarten hanggang High School.
Samantala, may iba pang interactive features ang GMA Now na magagamit mo kung mayroon kang internet connection. Maaari kang maglaro ng games, makipag-chat sa mga kaibigan gamit ang Groupee, at mag-stream ng videos sa pamamagitan ng GMA Videos On-Demand feature.
Available ang GMA Now sa official GMA Store sa Shopee, Lazada at lahat ng leading gadget stores nationwide sa halagang P649.
Para sa iba pang detalye, bumisita sa official site ng GMA Now o i-follow ang official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, at Twitter.