GMA Logo Hating Kapatid actress Cassy Legaspi
Photo by: Cassy Legaspi
What's Hot

Pag-aaral ni Cassy Legaspi magsalita ng Bisaya, kinaaliwan ng netizens

By Aimee Anoc
Published December 17, 2025 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SB19 to headline New Year's Eve countdown in BGC
AICS beneficiaries in Victorias City file plaint vs alleged kickbacks
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

Hating Kapatid actress Cassy Legaspi


Panoorin ang nakaaaliw na video ni Cassy Legaspi habang nag-aaral magsalita ng Bisaya rito.

Game na game na kumasa si Cassy Legaspi sa Bisaya 101 ng Hating Kapatid co-star na si Jeff Moses.

Sa Facebook, isang nakatutuwang video ang ibinahagi ni Cassy kung saan tuwang-tuwa ang kanyang Hating Kapatid co-stars habang nag-aaral siyang magsalita ng Bisaya.

Maging ang netizens ay naaliw sa cute at may feelings na pagsasalita ng Bisaya ni Cassy.

Ilan sa mga natutunang words at phrases ng aktres ay "gwapa" (maganda), "ambi imo kwarta" (akin na pera mo)," asa na ka, dugay gayud ka" (nasaan ka na, ang tagal mo), at "Uy, palangga ti ka" (Uy, mahal kita).

Sa Hating Kapatid, bumibida si Cassy bilang Belle, kasama ang kapatid na si Mavy at mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Subaybayan si Cassy sa Hating Kapatid, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. sa GMA.

RELATED GALLERY: Vince Maristela show fun behind-the-scenes moments from 'Hating Kapatid' set