
"Mahal na kita."
Ito ang nakakaantig na pag-amin ni Adelle kay Nikolai sa hit GMA primetime series na Love Of My Life na gumulantang sa online world.
Napanood ito noong Lunes, March 8, ang episode na may official hashtag na #LOMLMahalNaKita.
Trending topic sa Twitter ang nasabing episode na nakakuha ng mahigit 5,000 tweets.
Ang mga karakter din nina Adelle at Nikolai, na ginagampanan nina Carla Abellana at Mikael Daez, ay nag-trending din sa microblogging site.
Nikolai and Adelle also trended! Remember? Kelly's "friends" haha charot. Yey! #LOMLMahalNaKita pic.twitter.com/gRwJdOlI0W
-- Cyberhians Official (@CybeRhians) March 8, 2021
Sa vlog ni Carla noong December 18, 2020, ibinahagi niya na ni-rehearse niya ang mabigat na eksena na puno ng iyakan kasama ang kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez, na gumanap bilang Stefano sa serye.
Ika ng aktres, "hoping for the best" at "praying na maitawid ang eksena." At sa kabutihang palad, nabigyan naman nila ito ni Mikael ng hustisya kaya naman pinag-usapan ang episode online.
Narito ang ilang tweets ng netizens:
Okay I knew I would cry, I didn't expect I would be UGLY CRYING! 😭💔
-- Daphne (@Dearest_Daphne) March 9, 2021
WHAT. A. SCENE. Carla Abellana was blowing my mind shifting between being emotional and trying to be rational--I mean, how does she do that?! 🤯#LoveOfMyLife #LOMLMahalNaKita #LOMLBrokenhearted pic.twitter.com/17ipkDc1St
anyway, grabe to kanina! tas sasabayan pa nung theme song. marze masakit sa heart. huhuhu #LOMLMahalNaKita
-- selenophile.enigmatic (@enigmaticjdc) March 8, 2021
akala ko ako lang naiinis kay nikolai HAHAHAHA nakakainis naman kasi talaga na ikakasal na nga sila ni kelly tapos isang amin lang ni adelle, wala na sira na wedding plan. pano naman si kelly? yung baby? hmppp #LOMLMahalNaKita
-- hataké (@msnebres) March 8, 2021
I do hate Nikolai for using Kelly just to forget his feelings for Adelle. Kelly deserves a man who will treat her like a queen. She do have pure soul. Man was too blind for wasting a gem like Kelly #LOMLMahalNaKita
-- ImeeCastilloLitan (@LitanImee) March 8, 2021
Ayan kasi sa para sa cast nang #LOMLMahalNaKita Bakit nyo kasi sobrang Ginalingan kaya tuloy kami dalang dala kami sa eksena nyo kaya Yun Gigil talaga namin sa mga Character nyo Wagas! https://t.co/413IXojW2u
-- Bundok ng Tralala (@BaretaTralala) March 8, 2021
Inabangan ang madamdaming tagpong iyon nina Adelle at Nikolai matapos magtago ang una sa kanyang bayaw at sa fiancé nitong si Kelly (Rhian Ramos).
Matapos ang ilang araw na paghahanap kay Adelle, nalaman din ni Nikolai kung saan namamalagi ang buntis niyang hipag sa tulong ni Mang Arsing (Levi Ignacio).
Sa kanilang pagtatagpo, hindi na napigilan ni Adelle na ibuhos ang kanyang nararamdaman para kay Nikolai.
Kahit pa inamin niyang mahal niya si Nikolai, umiral pa rin ang pagka-martir ni Adelle matapos pilitin si Nikolai na ituloy ang kasal nila ni Kelly dahil, ani Adelle, mas masasaktan siya kapag kinansela niya ito.
Gayunpaman, hindi kayang gawin ni Nikolai ang hiling ni Adelle na pakasalan si Kelly, bagay na ikinagalit ng huli.
Dahil naiipit si sitwasyon, mamarapatin na lang ni Nikolai na talikuran ang lahat, maging ang kanyang inang si Isabella (Coney Reyes), na mapapanood ngayong Miyerkules, March 10, sa Love Of My Life.
Samantala, nagpasalamat muli si Mikael sa mga walang sawang sumusuporta sa Love Of My Life na nakatakdang magtapos sa March 19.
Kalakip ng isang collage ng selfies kasama sina Carla at Rhian, sabi ng aktor, "huge thank you to everyone who has been enjoying #LoveOfMyLife :) I love the twitter discussions that happen every night."
Mapapanood ang huling dalawang linggo ng Love Of My Life gabi-gabi pagkatapos ng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday sa GMA Telebabad.
Samantala, kung kinilig kayo sa love team nina Carla at Mikael sa Love Of My Life, narito ang iba pang unexpected Kapuso tandems na nag-click sa telebisyon.