
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa October 5 (Lunes) episode nito, inamin na ni Danaya (Sanya Lopez) kay Aquil (Rocco Nacino) ang kaniyang tunay na nararamdaman. Pagkatapos ng kaniyang pag-amin ay hinagkan niya na rin sa wakas ang minamahal niyang si Aquil.
Nangako naman si Aquil kay Danaya na hinding-hindi niya iiwan ang Sang'gre habang ito ay nabubuhay pa.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.