
Ngayong linggo, kaabang-abang ang mga eksena sa mas umiinit na GMA Telebabad.
Matitindi ang mga tagpong mapapanood sa First Lady, False Positive, Mano Po Legacy: Her Big Boss, at One The Woman na patuloy na pinag-uusapan gabi-gabi.
Napapanahon ang mga eksena sa high-rating series ng First Lady matapos ianunsyo ni Melody (Sanya Lopez) ang kanyang pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas.
Taos-noong ipagmamalaki ni Melody ang kanyang pagiging yaya sa presidential debate habang nakasuot ng unipormeng pang-yaya.
Ipagtatanggol niya ang karangalan ng bawat kasambahay na isa sa kanyang mga plataporma.
Kung pinuno ng bansa ang pinaglalabanan sa First Lady, tila nagkapalit naman ng roles sina Yannie (Glaiza De Castro) at Edward (Xian Lim) sa pagiging lider ng tahanan sa False Positive.
Sa huling dalawang linggo ng four-week special series, magsisimula nang maglabasan ang mga 'Marites' ngayong kumpirmado nang buntis ang mister ni Yannie na si Edward. Dilemma rin ng mag-asawa kung paano manganganak si Edward at kung paano nito magagampanan ang kanyang trabaho kung siya ay preggy.
Sagot naman ng Mano Po Legacy: Her Big Boss ang kiligan sa primetime dahil may aamin na ng kanyang feelings.
Ipagsisigawan ni Richard (Ken Chan) ang kanyang nararamdaman para sa executive assistant niyang si Irene (Bianca Umali).
Intense naman ang mga tagpo sa One The Woman sa last two weeks ng K-drama dahil malalantad na ang katotohanan.
Patuloy na tumutok gabi-gabi sa mas tumitinding First Yaya, False Positive, Mano Po Legacy: Her Big Boss, at One The Woman sa GMA Telebabad.
Maaari ring mapanood ang full episodes ng First Yaya, False Positive, Mano Po Legacy: Her Boss, at ng iba pang Kapuso series sa GMANetwork.com o GMA Network app.