What's Hot

Pag-angkas ni Dennis Trillo sa motorskilo ni Jennylyn Mercado, kinaaliwan sa social media

Published February 19, 2024 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bolivia judge rules ex-President Arce be held in pre-trial detention for five months
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and dennis trillo


Biro ng isang netizen kay Dennis Trillo na matindi ang pagkapit sa misis niyang si Jennylyn Mercado na nagmamaneho ng motorsiklo: 'Akala ko pa naman astig na astig ang porma, yun pala naka-angkas lang.'

Muli na namang kinaaliwan sa social media ang drama actor at TikTok star na si Dennis Trillo nang umangkas siya sa big bike ng asawang si Jennylyn Mercado.

Sa ipinost na video ng Instagram fanpage ng Love. Die.Repeat. lead star na @jennylymercadoactivity, mapapanood ang matinding pagkapit ni Dennis sa misis niyang nagmamaneho ng motorsiklo. May nag-abot naman kay Dennis ng helmet bago pa humarurot ng takbo si Jen.

Isang post na ibinahagi ni Jennylyn Mercado Fan Page (@jennylynmercadoactivity)

Kinaaliwan ito ng netizens at nakakuha ng mahigit 50,000 likes sa Instagram.

Biro ng isang netizen, "akla ko pa nmn astig n astig ang porma,yun pla nka-angkas lng😂👍love you both❤️❤️❤️"

netizen nag react sa pag angkas ni dennis trillo sa motorsiklo ni jennylyn mercado

Sabi pa ng isang nagkomento, "Sobrang kilig nito, sweet loving couple! Ang cuteeee mka hawak ni Dennis kay wifey Jen, wagas!!! hahahaaaa😍😍😍🔥🔥🔥❤️💚❤️"

netizen nag react sa pag angkas ni dennist trillo sa motorsiklo ni jennylyn mercado

Sa palagay naman ng isang netizen, bagay sina Dennis at Jennylyn na gumawa ng isang romcom project kung saan magkabaliktad ang kanilang mga personalidad.

netizen nag react sa pag angkas ni dennist trillo sa motorsiklo ni jennylyn mercado

Tingnan ang iba pang larawan ni Jennylyn bilang isang motorcycle rider sa gallery na ito.