
Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Martes, May 7, natunton na nina Anna (Kyline Alcantara) at Belinda (Sunshine Dizon) at ng mga awtoridad si Lucy (Angelika dela Cruz).
Gumawa ng plano sina Urshi (Mia Pangyarihan) at Lucy para makuha ang dalawang milyong reward money mula kay Belinda. Kung akala nila ay muli silang makakalamang, si Anna ang talagang nagtagumpay sa plano niya para mahanap na ang kanyang kriminal na tita.
Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.