
Isa sa mga hinahangaang young stars ngayon si Kambal, Karibal actress Kyline Alcantara. Bukod sa pagiging effective na kontrabida, isa rin siyang magaling na singer.
#ChallengeAccepted: GMA Records, pumayag sa hamon ng fans na gawan ng concert si Kyline Alcantara
Ngayong Sabado, May 5, ang kuwento ng kanyang buhay ang tampok sa Magpakailanman, kabilang na kung paano niya nasungkit ang role na Cheska sa Kambal, Karibal.
"Ipapakita ko po doon kung bakit ganito ako ngayon, at kung ano ang mga strengths and weaknesses ko, kung paano po ako nag-audition sa Kambal, Karibal, kung paano ako natanggap, kung ano 'yung mga pinagdaanan ko dati na rejections," pahayag niya.
Excited na rin si Kyline sa kanyang upcoming single.
"Upcoming single mayroon po, at sana mag-create siya ng isang album. Ang mga songs na gagawin ko, siyempre po in sa mga millennials, and magkakaroon ng connection with my Sunflowers."
WATCH: Kyline Alcantara covers "Tadhana" by UDD