What's on TV

Pag-awit ni Aiai Delas Alas ng rap verse ng kantang "Bang Bang," viral sa social media

By Jansen Ramos
Published November 7, 2019 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ano ang malagim na sinapit ng lalaking kumukuha ng bola ng pickleball? | GMA Integrated Newsfeed
Local budget airline announces Manila-Riyadh routes
GMA Pinoy TV Lights Up at the GMA Network Center with a Billboard That Spreads Joy: 'Home for the Holidays!'

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas pinerform ang kantang Bang Bang kasama ang all female quarter na XOXO sa The Clash


Viral ngayon sa social media ang pag-awit ni Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas ng rap verse ng hit pop song na "Bang Bang" sa 'The Clash.'

Viral ngayon sa social media ang special production number ni Aiai Delas Alas kasama ang all-female quartet na XOXO sa The Clash noong Linggo, November 3.

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas

Inawit nila ang kantang "Bang Bang" na pinasikat nina Ariana Grande, Nicki Minaj, at Jessie J.

Noong Miyerkules, November 6, in-upload ng isang netizen na nagngangalang Dennis Kwong sa Facebook ang parte ng performance ni Aiai kung saan nagra-rap ito at nilagyan ng caption na "Nicki Minaj Who???"

Mapapanood kasi sa video na hindi mabigkas nang tama ng 54-year-old comedienne ang lyrics ng rap verse ng kantang "Bang Bang" na orihinal na inawit ng American rapper na si Nicki Minaj.

As of writing, mayroon nang mahigit 117,000 views, 7,000 shares, 5,000 reactions ang naturang post sa Facebook.

Panoorin ang buong performance nina Aiai at XOXO ng "Bang Bang" dito:

Aiai Delas Alas, sinabing marami pang magaganap na twists sa 'The Clash'