
Talagang inaabangan na ng mga manonood ng Maria Clara at Ibarra ang episode ng programa mamaya, November 25, dahil sa nakaka-excite na eksena sa pagitan nina Klay at Ibarra.
Sa teaser ng ika-40 na episode ng Maria Clara at Ibarra, isi-CPR ni Klay si Ibarra sa harapan nina Maria Clara at ng ibang mga imbitado sa kanilang pagtitipon.
Dahil sa eksenang ito, hindi na tulog makapaghintay ang mga manonood kung ano ang magiging reaksyon nina Maria Clara sa ginawa ni Klay.
Komento ng isa, “This is technically not about the ship KLAYBARRA but to save life, I understand she needs to do that, and understand MC too why she's feeling like that.”
Sa pagtitipon na pinangunahan nina Maria Clara at Ibarra, may bumisita na buwaya kaya naman gumawa ng paraan si Ibarra upang hindi ito makasakit ng mga bisita.
Ang kinalabasan tuloy ay ang buhay ni Ibarra ang nanganib.
Patuloy na panoorin ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Mapanood naman nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG KABANATA NG MARIA CLARA at IBARRA DITO: