
Karamihan ng mga Pilipino ay kilala ang bayaning mag-asawa mula Ilocos na sina Diego at Gabriela Silang kung paano sila lumaban sa mga Español. Ang hindi alam ng karamihan ay may makulay na istorya sa likod ng pag-iibigan nilang dalawa.
Noong 2015, binigyang buhay nina Marc Abaya at Glaiza de Castro sina Diego at Gabriella Silang sa 'Wagas.'
Unang nagpakasal si Gabriela sa isang mayamang negosyante ngunit matapos ang tatlong taon, naging biyuda siya nang mamatay ito. Si Diego naman ay tila nagkaroon ng ikalawang pagkakataong mabuhay nang makaligtas siya sa lumubog na barko.
Unang nagtagpo sina Diego at Gabriela sa simbahan kung saan na “love at first sight” silang dalawa. Kahit na ganito, limang taong sinuyo at niligawan ni Diego si Gabriella bago niya nakuha ang matamis na oo ng dalaga.
Nasa ilalim pa ng mga Kastila noon ang Pilipinas pero malayang-malaya sina Diego at Gabriela na nagmamahalan. Ngutit dahil sa tumitinding pang-aapi ng mga Español sa mga malalapit nilang kaibigan, magkasamang lumaban at sumulong sina Diego at Gabriela upang ipagtanggol ang karapatan ng kanilang mga kababayan sa Ilocos.
Noong 2015, ginampanan nina Glaiza De Castro at Marc Abaya sina Diego at Gabriela Silang sa kauna-unahang historical love story ng Wagas.
Muling panoorin kung paano nagsimula ang pagmamahalan ng bayaning mag-asawang sina Diego at Gabriela Silang sa unang bahagi ng Wagas: The Diego and Gabriella Silang love story ngayong Linggo, December 13, pagkatapos ng All-Out Sundays.