
Marami ang humanga sa pagbabago ng ugali ni Libby (Lauren King) sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.
Nakakulong na kasi ang nanay niyang si Divina (Denise Laurel) at si Jenny (Ina Feleo) kaya wala nang nag-uutos kay Libby na gumawa ng mga masasamang bagay.
Iba rin ang naging epekto kay Libby ng pangungutya ng mga kaklase niya dahil kalat na kalat nang kriminal ang tunay niyang ina na si Divina.
Dahil sa mga eksenang ito, humanga ang mga manonood sa pagbabago ng puso ni Libby, at pinayuhan itong huwag nang sundin si Divina.
Sinusubukan pa rin ni Divina na magpatulong kay Libby para makalabas sila ng kulungan. Maniwala pa kaya si Libby sa sinasabi ni Divina?
Tutukan ang most satisfying finale week ng Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.