
Second spot sa Twitter!
By CHERRY SUN
Marami ang nananabik sa pagsisimula ng "Wowowin" sa bago at araw-araw nitong time slot.
Nag-trend at umabot sa second spot ang "Wowowin" noong bumalik ito noong Lunes (February 1).
2nd spot on twitter!!!Maraming Salamat sa suporta sa unang araw nateng pagsasama-sama sa pagbibigay ng saya!!!...
Posted by Wowowin on Monday, February 1, 2016
"Maraming salamat sa suporta sa unang araw nating pagsasama-sama sa pagbibigay ng saya!!! Nag-uumapaw ang aming pasasalamat sa lahat ng magagandang mensahe at pamamahal niyo sa #Wowowin. Maraming maraming salamat mga Kapuso," ayon sa Facebook page ng programa.
Naabutan din ng "24 Oras" ang mahabang pila ng mga studio audience na nais makita si Willie Revillame at maging bahagi ng kanyang programa.
Sa naunang panayam ni Kuya Wil ay nilinaw niya na libre lamang ang panonood sa studio.
Aniya, "Manonood po kayo ng libre, wala po kayong babayaran. 'Yun pong gustong [manood], mag-email lang po kayo sa wowowinGMA@yahoo.com.ph at pwede rin po kayong tumawag sa teleponong 710-35-27 mag mula alas dos ng hapon hanggang alas tres po, Lunes, Miyerkules, Biyernes. Hanapin niyo lang si Martin Tamba."