
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa October 6 (Martes) episode nito, nagbalik na si Sang'gre Amihan (Kylie Padilla) mula sa Devas upang kalabanin ang mga Hadezar ni Hagorn (John Arcilla). Kasama rin niya ang anak ni Alena (Gabbi Garcia) na si Kahlil (Avery Paraiso) upang sugpuin ang puwersa ng mga Hathor.
Dahil sa pagdating nina Amihan at Kahlil, unti-unti nang nalalagasan ng mga diwata ang mga mandirigma ni Hagorn.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.