
Tuloy na tuloy na ang pagbabalik ni Sang'gre Amihan sa Encantadia!
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre noong Sabado (January 24), ipinasilip ang pagdating ni Amihan (Kylie Padilla) sa Lireo kung saan muli niyang nayakap ang kanyang mga kapatid na sina Hara Alena (Gabbi Garcia), Danaya (Sanya Lopez), at Pirena (Glaiza De Castro).
Kasalukuyang may mahigit 6.2 million views sa Encantadia Chronicles: Sang'gre Facebook page ang madamdaming pagtatagpo na ito ng 2016 Sang'gres.
Excited na rin ang netizens at Encantadiks sa muling pagsasama-sama nina Amihan, Alena, Danaya, at Pirena.
Abangan ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.