
Simula ngayong Biyernes ay mapapanood na ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa pagtatapos ng ika-174 episode ng Sang'gre, binigkas na ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) na silang magkakapatid ang magtutungo sa mundo ng mga tao para harapin ang Bathala ng Kadiliman na si Gargan (Tom Rodriguez).
Aniya, handa siyang kalimutan ang galit sa kapatid na si Pirena (Glaiza De Castro) at sinasamo naman niya ang ivtre ng kapatid na si Amihan upang masamahan siya sa digmaang ito.
Ipinasilip na rin ang paglabas ni Amihan mula sa Devas, at sinabi, "Paparating na ako, Danaya. Babalik na ako ng Encantadia."
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, sinabi ni Kylie na mas matagal na siya ngayong mapapanood sa hit fantaserye: "Good news na masasabi ko is 'I'll be staying for a while now, si Amihan."
Bukod sa kanyang pagbabalik ay inaabangan na rin ng Encantadiks ang kanilang reunion ng kapwa second-gen Sang'gres na sina Glaiza De Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.
Huwag palampasin ang pagbabalik ni Kylie Padilla bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Biyernes, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FIGHT SCENES NI AMIHAN SA SANG'GRE DITO: