GMA Logo Malc at Mama Gha on EXpecially For You
Source: It’s Showtime & X
What's on TV

Pagbabalik ni Malc sa 'It's Showtime,' trending!

By Aedrianne Acar
Published June 4, 2024 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos swears in Barcena as new NPC commissioner
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Malc at Mama Gha on EXpecially For You


Ang tropa nating si Malc, nagbabalik sa 'EXpecially For You' kasama ang kanyang wonderful nanay na si Mama Gha.

Palong palo sa tawanan at kulitan ang episode ng "EXpecially For You" sa It's Showtime ngayong Martes (June 4) dahil nagbabalik ang tropa nating si Malc.

Kung last May 21, sinamahan niya ang ex niyang si Leng para makahanap ng date, siya naman ngayon ang sumalang para maging searcher.

Nakasama pa niya ang kanyang cool mom na si Mama Gha.

Trending sa social media site na X ang pangalan ni Malc at pati na rin ang viral segment ng It's Showtime, lalo na sa mga nakakaaliw na moments niya sa episode.

Hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng good vibes si Mama Gha na nakipagsayawan pa kasama sina Kim Chiu at Karylle.

Sa huli, napili ni Malc na bigyan ng green flag at maka-date ang morena beauty na si Joerel.

Marami rin ang naantig sa special message ni Mama Gha para sa kanyang anak na si Malc. “Kuya, isa lang masasabi ko sa'yo. Sa ngayon i-enjoy mo muna 'yung buhay mo bilang binata. Aral muna, yun lang. Makatapos ka, malaking [bagay sa akin]. Love you, mahal lagi kita.”

Samantala, nagpasalamat naman din ang ating "EXpecially For You" searchee sa kanyang ina para sa pagmamahal at gabay nito sa kanya.

“Sobrang laking pasasalamat kasi napalaki mo akong ganito, nabigyan mo ako ng magandang asal.” ani Malc.

“Na-handle mo ako nang maayos, natuturo mo kung ano pagkakamali ko. Kaya sobrang pasasalamat ko sa 'yo [na] nandiyan ka palagi. Sana hindi magbago.”

RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES