GMA Logo marian rivera
What's Hot

Pagbabalik-primetime ni Marian Rivera, inaabangan na ng fans

By Dianne Mariano
Published January 2, 2024 2:07 PM PHT
Updated March 5, 2024 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Bibida ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa upcoming GMA Prime series na 'My Guardian Alien' kasama sina Gabby Concepcion at Max Collins.

Isa ang My Guardian Alien sa kaabang-abang na mga programa ng Kapuso network ngayong 2024.

Ang naturang GMA Prime series ay pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Related content: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye

Nitong December 30, ipinalabas ang teaser ng My Guardian Alien sa social media accounts ng GMA Network, kung saan ipinasilip ang ilang eksena ng serye.

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang excitement sa pagbabalik primetime ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen.

“Wow! Excited na ko sa pagbabalik ni Primetime Queen Marian Rivera. Good luck My Guardian Alien,” ani ng isang netizen.

Sulat naman ng isa pang netizen, "Maganda to! Comeback ni Queen Marian. Kaabang-abang!"

Kabilang sa stellar cast ng serye sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray kasama si Marissa Delgado.

Abangan ang My Guardian Alien sa GMA Prime ngayong 2024.