What's on TV

Pagbabalik-tanaw nina Allan at Geraldine sa kanilang nakaraan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published May 29, 2020 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas and Carmina Villarroel in Kambal Karibal


Nagkaroon ng pagkakataon si Allan na linawin ang lahat kay Geraldine pati na rin ang mga kasinungalingang pinaniwalaan ng huli.

Nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ang dating mag-asawang sina Allan (Alfred Vargas) at Geraldine (Carmina Villarroel) matapos silang makulong sa juice bar na pagmamay-ari ng huli.

Naging daan ito para humingi ng tawad si Allan sa maling desisyon na kanyang ginawa noon na nagdulot para sila ay maghiwalay.

Pinaniniwalaan ni Geraldine na nambabae ang kanyang dating kasintahan pero nilinaw nito na hindi niya siya kayang pagtaksilan.

Balikan ang eksenang 'yan sa episode 50 ng Kambal, Karibal:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong COVID-19 quarantine period.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.