What's on TV

Pagbabanta ni Cheska sa buhay ni Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published September 8, 2020 11:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

3 killed, 7 missing in New Year's Eve attack on informal miners in Peru
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Pauline Mendoza in Kambal Karibal


Patuloy ang pagpapahirap ni Cheska sa kambal na sina Crisan at Cheska.

Sa episode 123 ng Kambal, Karibal, patuloy ang pagpapanggap ni Cheska (Kyline Alcantara) bilang si Crisel (Pauline Mendoza) para maghatid ng kasamaan kay Crisan at para inggitin ang kakambal nito.

Kyline Alcantara and Bianca Umali in Kambal Karibal

Dala ng matinding galit sanhi ng pambubuyo ni Black Lady (Roence Santos), nanumbalik kay Cheska ang awayan nila ni Crisan noon na nag-udyok sa kanya para bantaan ang buhay ng huli.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.