What's on TV

Pagbabanta ni Crisel kay Lola Anicia sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published June 9, 2020 7:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

Gloria Romero and Kyline Alcantara in Kambal Karibal


Hihingi ng tulong si Lola Anicia kay Crisan para mapalayas si Crisel sa katawan ni Cheska.

Sa Episode 57 ng Kambal, Karibal, pinagbantaan ni Crisel (Pauline Mendoza) si Lola Anicia (Gloria Romero) matapos itong makalabas mula sa ospital.

Pinaniwala ng huli si Crisel na siya ay baldado na at hindi na nakakapagsalita para maproteksyunan ang kanyang sarili.

Dahil hindi naniniwala si Geraldine sa akusasyon ni Lola Anicia na may gumagamit sa katawan ng kanyang anak na si Cheska (Kyline Alcantara), hihingi ng tulong ang matanda sa kakambal ni Crisel na si Crisan (Bianca Umali) para mabunyag na ang katotohanan.

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.