
Nitong Martes, December 10, nakabalik na sa buhay ni Sean (Juancho Trivino) si Katharine (Thea Tolentino).
Dahil sa amnesia ni Sean, si Katharine ang naaalalang mahal niya. Muli silang magsasama sa iisang bubong at mabubuo ulit ang kanilang pamilya. Dahil dito, mawawalan ng lugar at karapatan si Audrey (Arra San Agustin) sa buhay ng kanyang asawa.
Dito na ba magtatapos ang kanyang papel bilang isang legal wife at madrasta?
Panoorin:
Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas at tiyak na mamahalin ninyo ang Madrasta!