
Maraming netizens at dabarkads ang aliw na aliw sa latest vlog ng former Eat Bulaga host at comedian na si Jimmy Santos sa Canada.
Noong April 20, may pasilip si Jimmy Santos sa naging ice fishing experience niya sa Calgary na matatagpuan sa probinsya ng Alberta.
Jimmy Saints (YT)
At ngayon naman, patok ang vlog niya na “Jimmy Saints nangalakal sa Canada” na may mahigit kalahating milyon views na sa loob lang ng isang araw.
Dito ipinasilip niya ang isang recycling facility na tinatawag na South Pointe Bottle Depot, kung saan puwede dalhin ng Canadian citizens ang kanilang mga nagamit na bote at soft drink can para mai-recycle.
Kuwento ni Jimmy sa kaniyang vlog, “Magbebenta ng mga lata rito, 'yung mga pinaglalagyan ng mga tubig, softdrinks. Talaga naman dinde-deposito nila dito [at] binebenta nila. May halaga po ito.
“Kaya po ang bawat isa nito [takes an empty soda can] may bawas po 'pag binili n'yo po ito. May 10 cents na deposito, para sa ganun po maobliga kayo na ibalik po ito dito, maibenta para marecycle.”
Dagsa naman ang positive comments tungkol sa vlog ni Jimmy at marami nagsasabi na humahanga sila sa pagiging “humble” ng veteran comedian.
Jimmy Saints (YT)
Kung papanoorin ang buong vlog ni Jimmy Santos, wala itong nabanggit kung kailan siya pumunta sa Canada o kung permanente na siya magtatagal sa bansang ito.
MGA MALE CELEBRITIES NA NAGSIMULA SA EAT BULAGA: