GMA Logo Carmina Villarroel and Kyline Alcantara in Kambal Karibal
What's on TV

Pagbunyag ng lihim ni Raymond sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published June 5, 2020 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump lands in China for Xi summit with Nvidia CEO in tow
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Kyline Alcantara in Kambal Karibal


Nalaman na ni Crisel na sila ni Crisan ang mga tunay na anak ni Geraldine.

Sa episode 55 ng Kambal, Karibal, nalaman na ni Crisel (Pauline Mendoza) ang sikreto ni Raymond (Marvin Agustin) matapos marinig ang usapan nila ni Emmanuel (Christopher De Leon).

Malinaw na narinig ni Crisel na siya at si Crisan ang mga tunay na anak ni Geraldine na nais ipadispatsa noon ni Raymond.

Samantala, humingi si Crisan ng tulong sa isang exorcist para mapaalis si Crisel sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara).

Pahintulutan kaya ito ni Crisel ngayong kilala na niya ang kanilang tunay na ina?

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.