What's on TV

Pagbunyag ng sikreto ni Zoila sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published August 11, 2020 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia and Sandy Andolong in Stairway To Heaven


Tila walang mukhang maiharap si Zoila sa board of directors ng kanyang kumpanya matapos ibunyag ni Maita ang kanyang pinakatatagong sikreto.

Sa episode 62 ng Stairway To Heaven, ibinunyag na ni Maita (Jean Garcia) ang sikreto ni Zoila (Sandy Andolong) na pakiki-apid sa isang pamilyadong congressman sa harap ng board of directors ng Global Land.

Alam ni Maita na wala nang pag-asang pakasalan ni Cholo (Dingdong Dantes) si Eunice (Glaiza De Castro) dahil abala ang binata sa pag-aalaga kay Jodi (Rhian Ramos) kaya ginawa niya ito para makaganti.

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Huling linggo na ng hit 2009 drama series kaya subaybayan ito hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Nakatakdang bumalik sa telebisyon ang Prima Donnas sa Lunes, August 17.