
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa September 3 (Huwebes) episode nito, malapit nang makabalik si Lira (Mikee Quintos) ng Lireo upang matanggal na ang sumpa sa kaniya ni Bathalumang Ether ngunit makakasalubong niya si Hagorn (John Arcilla).
Dadakpin at bibihagin siya ni Hagorn ayon sa utos ni Ether upang tuluyan na siyang malayo sa kaniyang tunay na pamilya.
Maaalala pa kaya ng lahat si Lira?
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.