
Patuloy na tumitindi ang bawat tagpo sa nalalapit na season finale ng Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis actors,' puspusan ang paghahanda para sa kanilang roles sa serye.
Sa nakaraang episode ng nasabing serye, na ipinalabas noong August 13, napanood ang special participation nina Congresswoman Lani Mercado, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, at comedy genius Michael V.
Talagang tinutukan ng mga manonood ang 11th episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, lalo na ang eksena nina Bong Revilla Jr., Lani Mercado, at Ronald “Bato” Dela Rosa kung saan sila'y nasa police station.
Gumanap si Bato bilang ang heneral nina Tolome habang si Lani naman ang “matinik na misis” nito. Matatandaan na sinigaw pa ng special guest ang “BATOMEEE!” na halos katunog ng pagtawag ni Gloria (Beauty Gonzalez) sa kanyang asawa na si Tolome.
Makikita rin dito na agad-agad na sumunod ang heneral sa mga sinabi ng kanyang asawa.
Ang naturang eksena ay umani pa ng 2.5 million views sa official Facebook page ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at kinaaliwan pa ito ng netizens.
Kinaaliwan ng mga manonood ang nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. / PHOTO COURTESY: Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (Facebook)
Subaybayan ang finale ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.