
Sa episode 77 ng Kambal, Karibal, hindi na kinaya ng konsensiya ni Emmanuel (Christopher De Leon) ang mga pinagdaaranan ni Crisan (Bianca Umali).
Matapos sampahan ni Geraldine (Carmina Villarroel) ang huli ng kasong pagpatay kay Cheska (Kyline Alcantara), napilitan si Emmanuel na ibunyag sa kanyang manugang na sina Crisan at Crisel (Pauline Mendoza) ang kanyang kambal.
Nagulat si Geraldine sa rebelasyon ng kanyang biyenan kaya dali-dali siyang tumawag sa istasyon ng pulis para bawiin ang isinampang kaso kay Crisan.
Balikan ang eksenang 'yan:
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.