
Tinutukan ng mga manonood ang pagsabak nina Belle (Cassy Legaspi) at Thalia (Cheska Fausto) sa Campus Queen pageant na napanood kamakailan sa family drama series na Hating Kapatid.
Patunay rito ang milyon-milyong views na nakuha ng clips ng mga tagpo sa naging pageant era nina Belle at Thalia. Ang combined views na ito ay mula sa GMA Drama Facebook page at official GMA Network Facebook at TikTok pages.
Matatandaan na sa naganap na coronation night ng Campus Queen ay nagwagi si Belle sa kabila ng ginawang pananabotahe sa kanya ni Thalia. Naiyak naman si Thalia dahil hindi siya ang nanalo sa kompetisyon at sinisi pa niya si Roselle (Carmina Villarroel) sa kanyang pagkabigo.
Natapos man ang Campus Queen pageant, ngunit simula palang ng labanan sa pagitan nina Belle at Thalia. Kaya naman tutok lang sa Hating Kapatid, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: First look at the cast of upcoming GMA drama series 'Hating Kapatid'