
Hindi lang isa, kundi dalawang pageant dreams ang matutupad kung susuportahan ng mga Filipino pageant fans ang dalawang kababayan na kasalukuyang lumalaban sa dalawang international pageants.
Parehong nanawagan sa mga pageant fans ang The Miss Philippines and Mister Pilipinas Worldwide organization sa kanilang mga Instagram accounts. Ayon sa dalawang organizations, parehong kailangan nina Katrina Llegado at Felipe Marasigan ang mga boto ng bayan para sa Miss and Mister Supranational Influencer Facebook Opportunity.
Parehong nagsama ng instruction kung paano bumoto para kay Katrina at Felipe ang dalawang organizations sa captions ng kanilang post, at pinaalala rin sa kanilang mga followers na ang mga opportunities na ito ay makakatulong kay Katrina at Felipe na magkaroon ng placement sa top 20 ng kanilang mga pageants.
Matagumpay nang nangampanya ang Mister Pilipinas Worldwide organization para kay Felipe, na nakapasok sa semi-finals ng Mister Supranational Supra Chat Group 6. Ang overall winner ng Supra Chat series ay makakakuha ng pwesto sa top 20 ng Mister Supranational 2026.
Related Gallery: Here are your 2026 Mister Pilipinas Worldwide winners
Nauna nang nanawagan sa Instagram ang Mister Pilipinas Worldwide organization para humngi ng boto para kay Felipe. Nagsama rin sila ng instructions kung paano bumoto kay Felipe sa Supra Chat series.
Ilang beses na ring nanawagan ng boto at suporta ang The Miss Philippines organization para kay Katrina, tulad na lang sa Miss Supra Influencer challenge, at pati na rin sa kanyang introduction video sa Miss and Mister Supranational YouTube channel.