
Sa July 8 episode ng The Better Woman, hihikayatin ni Chesi (Ashley Rivera) si Elaine (Andrea Torres) na maghanap ng mga sagot tungkol sa tunay niyang katauhan.
Samantala, may kutob si Jasmine (Andrea Torres) na kakambal niya ang babaeng madalas niyang makita.
Dahil dito, hahalughugin niya ang kahon kung saan itinatago ni Erlinda (Jaclyn) ang ilang bagay mula sa kanyang panganganak.
Panoorin ang highlights ng July 8 episode ng The Better Woman:
Patuloy na panoorin ang The Better Woman, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.