
Sa December 11 (Biyernes) episode ng award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad, nakipagpulong ang Hara ng Lireo na si Danaya (Sanya Lopez) sa Hara ng Etheria na si Avria (Eula Valdez) upang mag-usap tungkol sa digmaan ng kanilang kaharian.
Batid ng parehong kampo na may binabalak na patibong ang dalawang Hara para sa isa't isa at ang magwawagi sa kanilang binabalak ang siyang magdidikta sa takbo ng kanilang digmaan.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.
Paanoorin ang bakbakan na naganap sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ang naturang episode DITO.